Anong meron sa book 2 na ito?
Ang pangalawang libro ko (kanan) ay naglalaman ng mga tulang naisulat ko pagkatapos ng mahabang panahon at maraming taon. Ang ilan sa mga mababasa mo dito (bukod sa mga alaala kong mapapait, hehe) ay base sa nakita't naobserbahan ko sa sitwasyon ng mga kakilala at mga kaibigan ko.
Kagaya ng sinabi ko sa unang aklat ko, ang tao ang may pinakamalalang emosyon sa mundo. At ipinapangako ko na makakarelate ka pagkatapos mong mabasa ang ilan sa mga tula ko.
Ang tagal ko na rito sa mundo at napag-alaman ko na pagdating sa pag-ibig, nababalewala bigla ang mga standards o pamantayan na hinahanap natin sa taong gusto nating makasama habang buhay. Pag tinamaan ka walang dahi-dahilan o rason kung bakit mo mahal ang isang tao. Basta alam mo mahal mo, mahal mo. Ganun talaga eh kaya nga may kanta o kasabihan tayong love is blind.
Pero ating tatandaan na ang pag-ibig ay di dapat selfish bagkus ay isaalang-alang natin kung ano nga ba ang makakapagpasaya sa taong pinili nating mahalin. Wag ka na magtaka kung bakit ako ganito mag-isip, base sa experience eh. Haha!
Pero masaktan ka man, wag kang susuko at magmumukmok. Kasi ilang taon ka bang nabuhay sa mundo nung di mo pa s'ya kilala. Kung nagawa mo ngang mabuhay ng wala pa s'ya, what more kung iwanan ka n'ya.
Ngiti at tawa lang ang ipanlaban mo. Darating din ang tamang tao sa buhay mo. Magtiwala ka lang. ^_^